Monday, April 16, 2012

OJT

THANK YOU LORD :)

Last Monday, April 2, 2012, nakaschedule akong mamasyal sa QC. Oo, mamamasyal ako dahil kailangan kong mag Job hunting for my internship this summer. Sa kasamaang palad, hindi ako nakasama sa aking mga kaklaseng sina Jojo, Patty, Jessy, Kim and Gregs DAHIL, masama ang pakiramdam ko at galing ako sa biglaang lakad papuntang Laguna at Cavite. Nakakainis din minsan diba kapag hindi umaayon sa plano mo lahat diba? Ganito kasi yun, nakaset na mamamsyal kami noong Linggo ni mommy after the sunday service. Pero dahil hindi siya nakapagsimba at kailangan niyang samahan sa tita sa bahay sa Laguna, pinapunta niya ako doon.

Ayun, pumunta ko. At napag-usapan namin na pupunta muna kami sa Cavite bago umuwi sa Valenzuela dahil sa naiwan niyang charger. Haaaaaay. Define hassle. Gabi na nang makarating kami sa Cavite so we decided na doon na matulog. At ako naman inisip ko na kinaumagahan bukas ay pupunta ako ng QC.

Ayun, di ko kinaya e. Hindi natuloy yung plano ko. So yung iba kong kasabayan, nakapag-pass na ng application sa gusto kong NGO. I was really worried and almost gave up in applying to that environmental NGO.

Wednesday na ko nakapag-pass ng application ko doon. Nagpunta ako alone. Nag-try na din ako nagbasakaling tumatanggap pa ng interns, wala pa naman akong ibang gustong pasukan kung hindi ito lang.

I was informed na iu-update na lang daw nila ko once holy week is over. So after holy week wala pa ring update. Nagschedule na lang ako ng panibagong job hunting noong April 10, 2012 with a classmate. On my way to QC, yung classmate ko na natanggap na doon biglang nagtext sa akin.
"Friend, kung gusto mo pa rin daw i-pursue yung application mo dito, pumunta ka na ngayon."
Eh di nawindang ako. Nung una nalito pa ko kasi may iba na kong plan e. Pero still, God had given me the chance to work there. After all na halos nawalan na ko ng pag-asa doon. It was really a blessing talaga and I was so happy. I thought God has a plan that is different from mine but maybe it was just a test if I will put my faith unto Him.

THAT IN ALL THINGS, GOD MAY BE GLORIFIED!

No comments:

Post a Comment